COVID-19 active case sa Quezon City, nagpapakita na ng pagbaba

27

Bumaba na sa 1,107 o 4 % ang active cases ng COVID-19 sa lungsod ng Quezon.

Ito’y kumpara sa 1,139 na aktibong kasong naitala noong January 23.


Gayunman may sinusubaybayan pang 153,427 suspected cases ang City Epidemiology and Disease Surveillance Unit sa lungsod.

Nadagdagan pa ng 92 ang bilang ng mga pasyenteng nakarekober sa COVID.

Sa huling tala ng QC Government hanggang kahapon, nasa 93% na o 27,881 ang total recoveries ng mga pasyente mula sa 29,724 total cases.

Pinapayuhan ang mga residente na mag-ingat at sumunod sa mga ipinatutupad na health and safety protocols.




Facebook Comments