COVID-19 active cases sa bansa, halos 60,000 na

56

Umaabot pa sa 59,700 ang active cases ng COVID-19 sa bansa.

Karagdagang 2,180 ang bagong kaso ng nasabing sakit sa bansa kaya ang total cases ngayon ay 296,755.

36 naman ang bagong binawian ng buhay kaya ang total deaths na ay nasa 5,127.

580 naman ang bagong naka-recover kaya ang total recoveries na ay 231,928.

Samantala, 2,993 naman ang active COVID-19 cases ngayon sa hanay ng mga Pilipino mula sa 78 na mga bansa.

5 naman ang bagong kaso kaya ang total cases ay 10,424.

16 naman ang bagong Pinoy na gumaling sa COVID-19 sa abroad kaya ang total recoveries na ay 6,645.




Isa namang Pinoy ang bagong namatay sa abroad dahil sa nasabing virus kaya ang total fatalities na ay 786.

Facebook Comments