COVID-19 CASES SA AKLAN, MANAGEABLE PA RIN PERO HOSPITAL HIGH OCCUPANCY RATE PINAGHAHANDAAN

17

Kalibo, Aklan – Nasa manageable level pa rin ang health care utilization ng Aklan para sa coronavirus cases dito, ito ang pahayag ni Provincial Health Officer I Dr. Cornelio Cuachon Jr. at Governor Florencio Joben Miraflores. Ayon sa kanila ang Aklan ay hindi pa umabot sa high occupancy rate kung pag uusapan ang mga hospital dito, hindi kagaya aniya ng mga hospitals sa ibang lalawigan na nag uumapaw na ang kani-kanilang occupancy rate kung covid patients ang pag uusapan. Ayon pa kay Governor Miraflores, hindi na nila hihintayin pa na umabot sa kritikal level ang hospital occupancy rate dito kaya ngayon, pinagtutuunan na nila umano ang pagbili ng karagdagang gamot at kagamitan preparasyon sa pagdami ng symptomatic coronavirus disease patient sa lalawigan.

Facebook Comments