COVID-19 cases sa bansa, halos 200,000 na

61

Pumalo na sa 194,252 ang kabuuang COVID-19 cases sa bansa matapos madagdagan ng 4,686 na panibagong mga kaso.

59,200 naman ang kasalukuyang active cases.


Habang 729 ang bagong naka-recover kaya ang total recoveries ngayon ay 132,042.

13 namang COVID-19 positive ang binawian ng buhay kaya ang total deaths ay pumalo na sa 3,010.

Samantala, patuloy na tumataas ang bilang ng mga Pilipino sa abroad na gumagaling sa COVID-19.

Panibagong 61 na mga Pinoy mula sa Asia, Europe at Middle East ang panibagong naka-recover sa nasabing sakit.




Bunga nito, umaabot na ngayon ang total recoveries sa 6,014.

Nadagdagan naman ng 19 ang mga Pinoy sa abroad na tinamaan ng virus kaya umaabot na ang total cases sa 10,003.

9 ang panibagong Pinoy na binawian kaya ang total deaths ngayon ay 742.

Facebook Comments