COVID-19 cases sa bansa, halos 280,000 na

62

Umaabot na sa 279,525 ang total COVID-19 cases sa Pilipinas.

Ito ay matapos madagdagan ng bagong 3,257 cases.

Sa nasabing bilang, 65,906 ang active cases.

733 naman ang bagong naka-recover kaya ang total recoveries ngayon ay 208,790.

47 naman ang bagong binawian ng buhay kaya ang total deaths ay umakyat na sa 4,830.

Samantala, tatlong magkakasunod na araw nang walang naitalang Pilipino sa abroad na binawian ng buhay sa dahil sa COVID-19.

Bunga nito, nananatili ang total deaths sa 777.




15 naman ang bagong gumaling kaya ang total recoveries ay 6,593.

25 naman ang bagong kaso kaya ang total COVID-19 cases ngayon sa hanay ng mga Pinoy sa 78 na mga bansa ay 10,385.

Ang active cases ay 3,015.

Facebook Comments