COVID-19 cases sa bansa, halos 361,000 na

57

Umaabot na sa 360,775 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa.

Ito ay matapos madagdagan ng 1,640 na bagong kaso habang ang active cases ay 43,443.


369 naman ang bagong gumaling sa virus kaya ang total recoveries na ay 310,642.

17 naman ang panibagong binawian ng buhay kaya ang total deaths ay nasa 6,690 na.

Samantala, 26 na mga Pilipino sa abroad ang panibagong na-infect ng COVID-19 sa abroad.

Bunga nito, ang total cases na sa Overseas Filipinos ay 11,178.




Ang active cases naman ay 3,129.

33 naman ang mga Pinoy na bagong gumaling kaya ang total recoveries na ay 7,234.

3 namang Pinoy sa abroad ang panibagong namatay sa COVID-19 kaya ang total deaths na ay 815.

Facebook Comments