COVID-19 cases sa bansa, mahigit 37,000 na; mga pasyenteng nakarekober sa nakakahawang sakit, nasa 10,233

63

Nadagdagan pa ng 1,080 ang bilang ng COVID-19 cases sa Pilipinas.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, umabot na sa 37,514 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.


Sa bagong mga kaso, 858 dito ay “fresh cases” habang 222 ang “late cases.”

Nasa 11 pasyente naman ang nasawi na sumampa na sa 1,266.

Habang naitala naman ang 277 new recoveries na umakyat na sa 10,233.

Samantala, pumalo pa sa 8,474 ang Pilipino sa abroad ang tinamaan ng COVID-19 matapos madagdagan ng sampung panibagong kaso.

Nasa 5,101 naman ang mga naka-recover sa sakit habang 549 ang nasawi dahil sa virus.




Facebook Comments