COVID-19 cases sa bansa, nasa 51,754 na

39

Nadagdagan pa ng 1,395 ang tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, umabot na sa 51,754 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit kung saan 37,627 rito ay aktibong kaso.


Sa bagong mga kaso, 1,184 ang “fresh cases” habang 211 ang “late cases.”

225 na mga pasyente naman ang gumaling sa sakit na umakyat na sa 12,813.

Habang nanatili sa 1,314 ang bilang ng mga nasawi sa COVID-19.

Samantala, sumampa na sa 8,792 ang bilang ng mga Pilipino sa abroad na tinamaan ng COVID-19 matapos madagdagan ng 30 bagong kaso.

Nasa 5,254 naman ang mga gumaling, habang 592 ang mga nasawi.




Facebook Comments