COVID-19 cases sa bansa, pumalo na sa 157,918 ngayong araw

89

Umakyat na sa 157,918 ang kumpirmadong kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa bansa.

Ito’y matapos makapagtala ang Department of Health (DOH) ng 4,351 na bagong kaso.


Pinakamarami sa bagong kaso ay nagmula sa National Capital Region (NCR) na may 2,460; sinundan ng Laguna na may 232 na bagong kaso, Cavite na may 211, Cebu na may 187 at Rizal na may 184.

Nasa 83,109 ang active cases, kung saan 91.0 percent dito ang mild, 7.5 percent ang asymptomatic, 0.6 percent ang severe at 0.9 percent ang critical.

Isang daan at limang pu’t siyam (159) naman ang nadagdag sa mga nasawi na sumampa na sa 2,600.

Nadagdagan naman ng 885 ang mga gumaling sa sakit na umakyat na sa 72,209.




Facebook Comments