COVID-19 cases sa bansa, pumalo na sa 36,000; bilang ng mga nakarekober sa sakit, halos 10,000 na

44

Sumampa na sa 36,438 ang COVID-19 cases sa Pilipinas.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ito ay matapos maitala ngayong araw ang 985 na panibagong mga kaso kung saan 643 ay “fresh cases”, habang 342 ay “late cases.”


Nasa 11 pasyente ang nasawi na ngayon ay nasa 1,255 na.

Naitala naman ang 270 na pasyenteng gumaling sa sakit na umakyat na sa 9,956.

Samantala, umabot na sa 8,467 ang mga Pilipino sa abroad na tinamaan ng COVID-19.

Nasa 5,091 naman ang nakarekober, habang 547 ang nasawi dahil sa virus.

Facebook Comments