COVID-19 cases sa bansa, pumalo na sa mahigit 164,000

3,314 ang panibagong nadagdag sa kaso ng COVID-19 sa bansa.

Pinakamarami pa ring naitalang new cases ay mula sa National Capital Region (NCR), sumunod ang regions 4A at 3.

Bunga nito, umaabot na ngayon ang kabuuang COVID-19 cases sa bansa sa 164,474.


49,034 dito ang active cases at 91.1 % ang mild cases.

237 naman ang panibagong naka-recover kaya ang total recoveries ngayon ay 112,759.

18 rin ang panibagong binawian ng buhay kaya ang total deaths ngayon ay 2,681.

Samantala, 9,908 na ang mga Pilipino mula sa 72 mga bansa ang tinamaan ng COVID-19.

12 Pinoy sa abroad ang panibagong na-infect ng virus mula sa Asia and the Pacific at Middle East.

2 naman ang panibagong gumaling kaya ang total recoveries ngayon ay 5,844.

3,338 naman ang active cases habang ang total deaths ay 726 matapos na may isang panibagong binawian ng buhay sa Middle East.

Facebook Comments