COVID-19 cases sa bansa, umabot na sa 57,006; 4,325 record high recoveries, naitala ngayong araw

71

Nadagdagan pa ng 836 ang kaso ng COVID-19 sa bansa.


Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, umabot na sa 57,006 ang confirmed COVID-19 cases kung saan 35,036 dito ay aktibong kaso.

Sa bagong mga kaso, 749 ang fresh cases habang 87 ang late cases.

Naitala naman ngayong araw ang 4,325 record high recoveries na sumampa na sa 20,371.

65 naman ang nadagdag sa mga nasawi na umakyat na sa 1,599.

Samantala, pumalo na sa 8,869 ang Pilipino sa abroad na tinamaan ng COVID-19.

Nasa 5,276 naman ang mga gumaling sa nakakahawang sakit habang 618 ang mga nasawi.




Facebook Comments