COVID-19 cases sa bansa, umakyat na sa 61,266; 2,498 na bagong mga kaso, naitala ngayong araw

Nadagdagan pa ng 2,498 na bagong kaso ang COVID-19 cases sa bansa.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, pumalo na sa 61,266 ang COVID-19 confirmed cases kung saan 38,183 rito ay aktibong kaso.

Sa bagong mga kaso, 1,246 ang fresh cases at 1,252 ang late cases.


29 naman ang naitalang nasawi na umakyat na sa 1,643.

Habang 467 na mga pasyente ang gumaling sa nakakahawang sakit na mayroon ng kabuuang 21,440.

Samantala, umabot na sa 8,974 ang Pilipino sa abroad na tinamaan ng virus matapos madagdagan ng 59 na bagong kaso.

5,321 naman ang mga gumaling na habang 633 ang bilang ng mga nasawi.

Facebook Comments