COVID-19 cases sa hanay ng PNP, nasa 6,636 na!

32

Pumalo na sa 6,636 ang kaso ng COVID-19 sa hanay ng Philippine National Police (PNP).

Ito ay makaraang madagdagan pa sa bilang ang 50 panibagong kaso.

Batay sa ulat, pumalo na rin sa 5,950 ang nakarekober habang nananatili naman ang nasawi sa 20.

Kasalukuyang binabantayan ang 666 aktibong kaso ng COVID-19 sa kapulisan.

Facebook Comments