COVID-19 cases sa Makati, lampas 1,000 na

44

Umakyat sa 1,018 ang kabuuang bilang ng active cases ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa lungsod ng Makati ngayong araw matapos makapagtala ng 38 bagong kaso ng COVID-19 kahapon, August 1.


Dahil dito, tumaas din ang kabuuang bilang ng confirmed cases ng COVID-19 sa lungsod na umabot na ng sa 2,153 mula sa 2,115.

Umakyat din sa 1,003 ang kabuaang bilang ng mga recoveries habang nadagdagan naman ng dalawa ang bilang ng mga nasawi na sa kabuuan ay aabot na sa 132.

Nasa 657 naman ang mga suspected case at anim lang ang probable cases ng COVID-19 sa lungsod.

Facebook Comments