COVID-19 cases sa Mandaluyong, pumalo na sa mahigit 4,000

31

Umabot na ng 4,105 ang kanuuang kaso ng COVID-19 sa Mandaluyong.

Ito’y matapos na makapagtala ng 53 bagong kaso ng sakit sa lungsod sa nakalipas na 24 oras.

Nadagdagan naman ng isa ang bilang ng mga namatay na ngayo’y umabot na sa 136.

Nakapagtala naman ng 42 bagong recoveries para sa kabuuang 3,295.

Mayroon pang 674 active cases sa lungsod habang patuloy na binabantayan ang 1,794 na mga suspected at 23 probable cases.

Facebook Comments