COVID-19 cases sa Pilipinas, halos 19,000 na

Nadagdagan ng 359 na bagong kaso ang COVID-19 sa Pilipinas.

Batay sa Department of Health (DOH), sumampa na sa 18,997 ang mga tinamaan ng COVID-19 sa bansa.

Sa nasabing bilang, 176 ang “fresh cases” habang 183 ang “late cases”.


Anim naman ang nadagdag sa mga nasawi na umakyat na sa 966.

Umabot naman na sa 4,063 ang mga gumaling sa sakit matapos madagdagan ng 84 new recoveries.

Samantala, pumalo na 5,230 ang bilang ng mga Pilipino sa abroad na tinamaan ng COVID-19 matapos madagdagan ng 12 bagong kaso.

Umakyat naman sa 2,166 ang gumaling sa nakakahawang sakit habang nadagdagan ng lima ang mga nasawi na mayroon ng kabuuang 347.

Facebook Comments