COVID-19 cases sa PNP, lumagpas na sa 10,000

26

Nagpapatuloy ang pagtaas ng bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19 sa hanay ng Philippine National Police (PNP).

Batay sa huling ulat ng PNP, 45 na bagong kaso ang nadagdag sa kanilang hanay kaya umabot na sa 10,001 ang tinamaan ng COVID-19.


Siyam dito ang galing sa NCRPO; 7 sa Cagayan Police; 5 sa Bangsamoro Police at National Headquarters; tig-4 sa Calabarzon at Western Visayas Police; tig-2 sa Central Luzon, Eastern Visayas at Cordillera Police at tig-1 sa National Administration at Support Unit, Ilocos, Central Visayas at Bukidnon Police.

28 naman ang bagong gumaling sa PNP habang nanatili naman 28 ang mga nasawi dahil sa virus.

Facebook Comments