COVID-19 cases sa PNP, nasa 2,798 na

Nadagdagan pa ng 41 ang bilang ng kaso ng Coronavirus Disease 2019 o COVID-19 sa hanay ng Philippine National Police (PNP).

Dahil dito, umabot na sa 2,798 na mga tauhan ng PNP ang kumpirmadong tinamaan ng virus.

Sa nabanggit na bilang, 1,841 ang gumaling na habang nananatili sa 13 ang nasawi.


Nasa 747 naman ang probable COVID-19 cases sa PNP habang nasa 2,153 ang suspected cases.

Facebook Comments