COVID-19 cases sa Quezon City, ilang araw nang bumababa

27

Ilang araw nang nagpapakita ng pagbaba ang bilang ng COVID-19 active cases sa lungsod ng Quezon.

Base sa pinakahuling tala ng City Epidemiology and Disease Surveillance Unit (CEDSUA), hanggang kahapon nasa 867 ang active cases o 3% mula sa 28,737 total confirmed at validated cases.


Ito’y kung ikukumpara noong January 3 na nakapagtala ng 1,162 o 4% na pagtaas ng active cases.

Mas bumaba pa ang bilang ng active cases noong January 9 sa 831.

Nasa 94% o 27,088 ang gumaling na sa COVID-19 pero mayroon pang binabantayan na 144,202 suspected cases ang lokal na pamahalaan.

Hanggang kahapon, umabot na sa 782 ang naitatalang mga pumanaw matapos madagdagan ng isa pa mula noong January 9.




Facebook Comments