COVID-19 cases sa Quezon City, umabot na sa 20,846

26

Umakyat na sa 20,846 ang kabuuang bilang ng nagpositibo sa COVID-19 sa lungsod ng Quezon.

Gayunman, pababa na umano ang trend ng mga bagong kaso sa lungsod.

Base sa pinakahuling datos ng Quezon City Epidemiology and Disease Surveillance Unit, umabot na sa 88% o katumbas ng 18,299 ang gumaling sa impeksyon.

Mula sa naturang bilang, 1,962 ang kumpirmadong active cases o maaari pang makahawa.

Mayroong 19,913 na mga suspected cases ang tinututukan ng Local Government Unit.

Habang umakyat na sa 585 ang kabuuang bilang ng nasawi.

Facebook Comments