COVID-19 cases sa Taguig, pumalo na sa mahigit 11,000

26

Umakyat na sa 11,170 ang kabuoang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa lungsod ng Taguig matapos itong madagdagan ng 43 na bagong kaso.

Mula sa nasabing bilang, 10,932 ang gumaling mula sa naturang sakit, matapos naman magkaroon ng 29 new recoveries.


Nananatili naman sa 178 ang nasawi sa lungsod na dulot ng virus.

Nasa 60 ay kasalukuyang bilang ng active cases sa Taguig na patuloy na nagpapagaling sa mga quarantine facility nito.

Pero batay sa datos City Epidemiology Diseases and Surveillance Unit (CEDSU), mataas pa rin ang recovery rate ng lungsod kung saan nasa 97.87% ito, kumpara sa 1.59% na case fatality rate o porsyento ng nasasawi sa lungsod na sanhi ng COVID-19.

Facebook Comments