COVID-19 equipments na donasyon ng US, dumating na sa Palawan

43

Naihatid ng BRP Teresa Magbanua (MRRV-9701) ng Philippine Coast Guard (PCG) ang mga donasyon ng US Embassy Civil Affairs Team at USS Mercy sa Palawan.

Ang naturang mga donasyon ay dinala ng barko ng PCG sa Palawan mula sa Maynila.

Kinabibilangan ito ng ICU beds, tents, vaccine storage refrigerators, sanitation sprays, isolation gowns, face masks, alcohol, vitamins at iba pang medical supplies.


Ito na ang ikalimang taon na nagbigay ng tulong ang US sa Palawan partikular sa pamamagitan ng Medical Outreach Program at Disaster Preparedness.

Ilang beses na rin na nakapagpadala ng tulong ang US Embassy sa lalawigan ngayong pandemya.

Facebook Comments