COVID-19 Global cases, umabot na sa mahigit 28.1 million

Umabot na sa mahigit 28.1 million ang bilang ng kumpirmadong tinamaan ng COVID-19 sa buong mundo.

Base sa tala ng Johns Hopkins University, nasa 909,672 na bilang ng nasawi sa virus sa buong mundo habang mahigit 18.8-million na gumaling.

Nangunguna sa listahan ng mga bansa na may pinakamaraming kaso ng COVID-19 ang Amerika na nagtala ng halos 6.4-million na kaso.


Pumapangalawa naman ang India na may mahigit 4.5-million na kaso habang pumangatlo ang Brazil na nagtala ng halos 4.2-million na infections.

Facebook Comments