COVID-19 information campaign, suportado ng DepEd

48

Inihayag ng Department of Education (DepEd) ang kanilang pagsuporta sa information campaign ng pamahalaan para sa COVID-19 vaccines.

Ayon kay Education Secretary Leonor Briones, gumagana ang bakuna hindi dahil sa opinyon ng iilan o sa sentimiyento ng mayorya.


Ito aniya ay dahil sa resulta ng ilang dekada o siglong pananaliksik at pag-aaral.

Hinihikayat ni Briones ang lahat na maging tagalaganap ng katotohanan, maniwala sa agham at magkaroon ng kritikal na pag-iisip.

Ang DepEd ay naglunsad ng vaccine education campaign na “Ugnayang Pang-paaralan tungkol sa Pagpapabakuna para sa Kalusugan ng Bayan” na inorganisa ng Vaccine Cluster ng pamahalaan – ang Task Group on Demand Generation and Communications.

Facebook Comments