COVID-19 mobile testing ng Taguig, muling iikot sa ilang lugar ng lungsod

115

Muling aarangkada ang mobile testing ng pamahalaang lungsod ng Taguig para sa COVID-19.

Batay sa anunsyo ngayong umaga ng lungsod, bukas, December 3 pupunta ito sa Mulberry Residences para gawin ang COVID-19 testing.

Ayon kay Mayor Lino Cayetano, ang nasabing hakbang ay para sa mga residente ng Taguig na walang access sa kanilang mga health center.


Dahil dito, nananatili na mababa ang COVID-19 fatality rate at transmission rate sa lungsod.

Noong nakaraang buwan, binisita ng team ng COVID-19 mobile testing ang ilang lugar sa Taguig tulad ng Rainbow Ridge at Cypress Condominium.

Inihayag din ni Cayetano na ipo-post sa official Facebook account ng Taguig ang schedule ng kanilang mobile testing para sa COVID-19.



Facebook Comments