COVID-19 pandemic, hindi dapat gawing excuse ng administrasyon sa isyu sa WPS – VP Robredo

Iginiit ni Vice President Leni Robredo na hindi dapat ginagamit ni Pangulo Rodrigo Duterte ang COVID-19 pandemic bilang ‘excuse’ sa paglaban sa karapatan at soberenya ng bansa sa West Philippine Sea.

Matatandaang sa huling public address, sinabi ni Pangulong Duterte na mas urgent ang pandemya kaysa sa WPS.

Sa programang Biserbisyong Leni sa RMN Manila, sinabi ni Robredo na dapat mayroong paninindigan ang Pilipinas sa agawan ng teritoryo.


Wala naman aniyang mali sa sinabi ni Pangulong Duterte pero hindi ibig sabihin kailangan nang isantabi ang usapin sa WPS.

Dapat seryosohin ng pamahalaan ang isyu sa WPS dahil nakasalalay dito kasarinlan at ownership ng Pilipinas sa lugar.

Dagdag pa ni Robredo na dapat itinataguyod din ng administrasyon ang pagkapanalo ng Pilipinas sa arbitral tribunal.

Bago ito, sinabi ni Pangulo ng Duterte na ang arbitral award ay isang kapirasong papel lamang na itinapon sa basurahan.

Facebook Comments