COVID-19 pandemic, hindi naging hadlang para dumami pa ang branch ng bar and coffee shop na Koneksiyon Bean+Beer

32

Hindi naging hadlang ang COVID-19 pandemic para magpatuloy at dumami pa ang branch ng tampok ngayon na Koneksiyon Bean+Beer na isang coffee shop at bar.

Sa interview ng Business as Usual, ibinahagi ng owners na sina Edward Lacap at Karen Salapong na bilang dating mga professor ay naisipan nilang magtayo ng ganito para sa mga magkasintahan na gustong mag-chill.


Ayon kay Lacap, kadalasan daw kasi ay gusto ng lalaki ng beer kapag nagre-relax habang kape naman ang gusto ng babae kung kaya’t dito nagmula ang ideya ng kanilang negosyo.

Ngayong araw, ipinagdiriwang ng Koneksiyon Bean+Beer ang kanilang second anniversary at patuloy pang lumalago dahil sa mga bagong franchise.

Facebook Comments