COVID-19 pandemic, isa sa dahilan ng pagkakaantala ng AFP Modernization Program

33

Inamin ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Gilbert Gapay na isa sa dahilan ng pagkakantala ng AFP Modernization Program ay dahil sa nararanasang Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) pandemic.

Ginawa ni AFP Chief ang pahayag matapos na matalakay sa pagdinig ng Senado na napag-iiwanan na ang mga kagamitan at assets ng AFP kumpara sa ibang bansa dahil sa mabagal implementasyon ng mga programa nito.

Ayon kay Gapay, ilan sa pondo para sa AFP Modernization Program ay nagamit ng national government sa COVID-19 response.

Bukod dito, nakakaranas din sila ng pagkakaantala sa plans at capability build up para sa mga procurement process.

Pero ayon kay Gapay, nang magsimula ang AFP Modernization Program noong taong 1995, nakumpleto na ang first horizon na may nabuong 20 project para sa AFP habang dalawa sa siyamnapu’t-apat (94) na proyekto ang nagawa sa Horizon Two ng AFP Modernization Program.

Paliwanag ni Gapay, kailangan nila ang ₱480 billion na pondo para maipagpatuloy ang AFP Modernization Program para sa susunod na 18 taon.

Facebook Comments