COVID-19 pandemic, posibleng matapos na sa susunod na taon – World Health Organization

60

Posibleng matapos na sa susunod na taon ang COVID-19 pandemic.

Ito ang sinabi ni World Health Organization Technical Lead for COVID-19 Dr. Maria Van Kerkhove ngayong patuloy ang pagbaba ng bilang ng mga na-oospital at namamatay dahil sa virus.

Pero ayon kay Kerkhove, hindi pa rin dapat tayo makampante lalo na’t may mga bagong variant ng virus na lumalabas kagaya ng Omicron variant.


Idinagdag pa ni Kerkhhove na hindi dapat balewalain ang mga mild effects ng Omicron dahil mas marami pa rin itong pwedeng mahawahan.

Facebook Comments