COVID-19 positive sa QC, umabot na sa 3,136

30

Umabot na sa 3,136 ang COVID-19 positive sa Quezon City.


Batay sa impormasyon na inilabas ng Quezon City Health Office (CHO), nadagdagan pa ng 43 ang bilang ng nagpositibo sa COVID-19 sa lungsod.

Nasa 3,058 na ang kumpirmadong may kumpletong address sa Quezon City, habang 3,026 naman ang na-validate ng QC Epidemiology and Surveillance Unit at District Health Offices.

Habang sa datos ng Local Government Unit (LGU), nasa 1,022 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa lungsod.

May tatlumpu’t lima (35) nang bagong nakarekober na sa kabuuan ay nasa 1,778 na.

May tatlo pa ang naidagdag sa nasawi na sa kabuuan ay mayroon ng 226 na pumanaw.

Facebook Comments