COVID-19 recoveries sa Pasig, nadagdagan ng 288

22

Nakapagtala kagabi ang Pasig City Health Office ng 288 na bagong galing mula sa sakit na dulot ng COVID-19.

Dahilan para tumaas sa 23,248 ang kabuuang bilang ngayon ng mga gumaling sa lungsod sa naturang sakit.


Sa datos pa ng Pasig City Health Office, ang kabuoang bilang ng mga tinamaan ng COVID-19 ay umabot na ng 24,929 matapos itong madagdagan ng 386 kagabi.

Mula sa nasabing bilang, 719 ay nasawi at ang 962 ay active cases sa lungsod.

Tiniyak naman ng health office ng lungsod na patuloy nananatili ang mga active case sa kanilang mga quarantine facility upang matiyak ang kanilang tuluyang paggaling at hindi na kumalat pa virus.

Facebook Comments