COVID-19 restrictions sa Norway, ibinaba na

Ibinaba na ng pamahalaan ng Norway ang COVID-19 restrictions bunsod ng matagumpay na progreso ng bansa sa pagsugpo laban sa COVID-19.

Ayon kay Norway Prime Minister Erna Solberg, maaari nang magsagawa ng mga wedding at party hanggang 100 ang kapasidad.

Sa pagbaba ng restriksyon, maaari na ring umabot sa 20 na tao ang pwedeng dumalo sa isang house party kahit hindi pa nabakunahan kontra COVID-19.


Niluwagan na rin ang quarantine period ng mga manlalakbay mula Europe na pupunta sa Norway.

Facebook Comments