COVID-19 situation sa NCR, nananatiling ‘marupok’ ayon sa DOH

25

Kahit bumababa na ang kaso ng COVID-19 sa National Capital Region (NCR), itinuturing pa rin ng Department of Health (DOH) na ‘marupok’ ang sitwasyon.

Paliwanag ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, maaari pa ring magkaroon ng surge ng COVID-19 cases sa NCR kung hindi lahat ay mag-iingat.


Mahalaga aniyang dahan-dahan ang pagluluwag ng quarantine restrictions.

Dapat ding isipin na bagamat bumababa ang kaso sa NCR, ang mga kaso sa kalapit na lalawigan nito ay tumataas.

Facebook Comments