COVID-19 test sa mga guro sa Antipolo City, aarangkada na ngayong araw bago ang pasukan sa Lunes

38

Aarangkada na ngayon ang unang araw ng COVID-19 test sa lahat ng mga guro mula pribado at pampublikong paaralan sa Antipolo City.

Sa kaniyang Facebook post, sinabi ni Antipolo City Mayor Andeng Ynares na iikot sa mga paaralan ang mga doctor at medical technologist ng lungsod para magsagawa ng COVID test.

Kabilang sa unang batch na sasailalim sa pagsusuri ay ang mga teachers mula sa San Isidro Elementary School, Antipolo City SPED Center, San Isidro at San Jose National High School.

Paliwanag ni Ynares, dapat matiyak na ligtas sa virus ang mga guro bago magsimula ang pasukan sa Lunes, October 5, World Teacher’s Day.

Facebook Comments