COVID-19 test sa mga papasok ng Taiwan, aalisin na simula bukas

52

Epektibo bukas, August 14 ay aalisin na ng Taiwan ang pre-flight COVID-19 PCR test requirement.

Gayunman, bawal pa rin pumasok sa Taiwan ang mga dayuhang turista.

Hindi rin pinahihintulutan ang mga grupo na magmumula ng Taiwan at magto-tour sa ibang bansa.


Inaasahan kasi ngayong buwan na tataas ang kaso BA.5 subvariant sa Taiwan.

Bawal din pumasok sa Taiwan ang mga pasaherong na-infect ng COVID-19 sa nakalipas na pitong araw.

Facebook Comments