COVID-19 testing capacity sa bansa, posibleng bumaba dahil sa pagtigil ng testing ng PRC, ayon kay Senator Zubiri

521

Nagpahayag ng pangamba si Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri sa posibleng pagbaba ng COVID-19 testing capacity ng bansa.

Ito ay matapos na itigil muna ng Philippine Red Cross (PRC) ang mga isinasagawa nilang COVID-19 test na sinisingil sa PhilHealth dahil sa pagkabigo nitong mabayaran ang utang sa kanila.

Ayon kay Zubiri, kakausapin niya si PhilHealth President Dante Gierran dahil halos 60 porsyento ng testing capacity ng Department of Health (DOH) ay nagmula sa Red Cross.

Matatandaang noong Biyernes ay sinabi ni Gierran na hindi muna nila babayaran ang PRC hangga’t hindi pa naaayos ang lahat ng isyu kaugnay sa kanilang memorandum of agreement.

Facebook Comments