COVID-19 vaccination center, inilunsad ng DOH sa Cavite

19

Binuksan na ng Department of Health (DOH) Center for Vaccination and Clinical Laboratory Southern Tagalog Regional Hospital (STRH) ang dalawang pasilidad sa Bacoor City, Cavite.

Gagamitin ang vaccination center sa paparating na COVID-19 vaccination.


Bahagi na rin ito ng pagpalalawak sa kanilang serbisyo bilang pasilidad sa mga pasyenteng nakakagat ng mga hayop.

Magiging regular na pasilidad na rin ito para sa mga susunod na immunization programs.

Facebook Comments