COVID-19 vaccine storage facilities, nakahanda sa mga posibleng power interruptions – DOH

32

Tiniyak ng Department of Health (DOH) na ang iba’t ibang COVID-19 storage facilities sa bansa ay nakahanda sa posibilidad ng pagkakaroon ng rotational power interruptions sa ilang bahagi ng Luzon.

Ayon sa DOH, gumagawa na sila ng kaukulang hakbang para matiyak na walang COVID-19 vaccines ang maaapektuhan.


Ang National Vaccination Operations Center ay naglabas na ng guidance at instructions sa mga local vaccination operations centers, at vaccination sites para matiyak na nakalatag ang contingency plans.

Nagsasagawa na ng simulation activites at inihahanda na ang back-up power sources.

Facebook Comments