COVID-19 vaccine storage facilities, vaccination sites, handa sa anumang sakuna – DOH

18

Tiniyak ng Department of Health (DOH) sa publiko na ang COVID-19 storage facilities at vaccination centers ay handa sa anumang kalamidad at sakuna.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ang mga pasilidad ay inatasang gumawa ng kinakailangang hakbang para hindi maantala ang kanilang operasyon.


Naglabas aniya sila ng paalala sa mga vaccination sites ukol sa power outages, flooding at malalakas na pag-ulan para hindi maapektuhan ang pagbabakuna.

Sinabi pa ni Vergeire na ang power generators ay nakahanda sakaling magkaroon ng rotational brownouts na makakaapekto sa iba’t ibang cold storage facilities.

Facebook Comments