COVID cases sa bansa, halos 337,000 na

44

Umabot na ngayon sa 336,926 ang kaso ng COVID-19 sa bansa.

Ito ay matapos madagdagan ng 2,249 na bagong kaso.

Ang aktibong kaso naman sa ngayon ay 54,594.

842 naman ang bagong gumaling sa bansa sa COVID-19 kaya ang total recoveries na ngayon ay 276,094.

87 naman ang bagong binawian ng buhay kaya ang total deaths na ay 6,238.

Ang mild cases ay 85.8% habang ang asymptomatic ay 10.0%, ang severe ay 1.3% at ang critical cases ay 2.9%.

Kinumpirma naman ng Department of Health (DOH) na umaabot na sa mahigit 3.8-million individuals na ang naisailalim nila sa COVID test.




Facebook Comments