COVID free barangay sa lungsod ng Pasay, nasa higit 100 na

29

Umaabot na sa higit 100 na barangay sa lungsod ng Pasay ang itinuturing ngayong COVID-19 free.

Sa inilabas na datos ng Pasay Public Information Office, nasa 112 barangay ang wala nang naitatalang aktibong kaso ng COVID-19 ngayong araw.


Bukod dito, bumaba na rin sa 292 ang bilang ng naitalang aktibong kaso ng COVID-19 sa lungsod.

Nasa 531 naman ang nasawi habang pumalo sa 20,605 ang nakarekober kung saan nasa 21,429 ang naitalang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong lungsod.

Base pa nasabing datos, ang barangay 183 ang kasalukuyang may naitatalang mataas na bilang ng aktibong kaso na nasa 52 na sinundan naman ng barangay 133 na may 17 na kaso ng COVID-19.

Facebook Comments