COVID help desk, inilunsad sa Valenzuela City

28

Naglunsad ang Valenzuela City Government ng WES COVID Help Desk.

Ang nasabing COVID Help Desk ay binuo ni Deputy Speaker at Valenzuela City Rep. Wes Gatchalian.


Ang help desk ay tutugon sa pangangailangan ng mga pasyente sa lungsod na may COVID-19.

Ilan sa mga maaaring maibigay ng help desk ay tulong pinansyal para sa pagpapaospital, gamot at panglibing.

Handa rin ang help desk na magbigay ng cash assistance sa mga maliliit na negosyong apektado ng pandemya.

Para sa mga residenteng nangangailangan ng tulong na may kaugnayan sa COVID-19 ay maaaring tumawag sa 8-709-7199 at 8-709-7164.



Facebook Comments