COVID situation sa Davao City at QC, magkaiba – Roque

18

Hindi kinagat ng Malacañang ang pagkukumpara ng COVID-19 situation sa Davao City at Quezon City.

Ito ay sa harap ng surge ng COVID-19 infections sa mismong hometown ni Pangulong Rodrigo Duterte.


Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, hindi naman patas na ipagkumpara ang dalawang lungsod.

Aniya, magkaiba ang COVID situations ng Davao City at Quezon City.

Punto ni Roque, ang Quezon City ay dumaan sa mahigpit na lockdown sa loob ng dalawang buwan habang ang Davao City ay nasa ilalim ng maluwag na community quarantine status.

Matatandaang iniulat n OCTA Research Group na nahigitan na ng Davao City ang Quezon City pagdating sa average number ng COVID-19 cases kada araw



Facebook Comments