COVID test ni dating Senator Bongbong Marcos, wala pang resulta

40

Dating Senator Bongbong Marcos, maayos ang kondisyon at ang COVID test ay wala pang resulta

Hindi totoo ang kumakalat na impormasyon sa social media na malubha ang kalagayan ni dating senador ferdinand bongbong marcos jr dahil sa COVID-19.


Ito ang inihayag ng kanyang kapatid na si Senator Imee Marcos.

Ayon kay Senator Imee, nanggaling ng Spain ang kanyang kapatid, sumama ang pakiramdam pero ngayon ay maayos na ang kondisyon nito at nanatili lang sa bahay.

Diin ni Senator Imee, sumailalim na rin ang kanyang kapatid sa COVID-19 test kamakalawa pero hanggang ngayon ay wala pan resulta.

Si Senator Imee naman ay hindi rin lumalabas ng bahay bilang pag-iingat laban sa COVID-19 dahil siya ay may Asthma.

Facebook Comments