CPP Founder Joma Sison, tinawag na oligarch si Pangulong Duterte

172

Kinontra ni Communist Party of the Philippines Founder Jose Maria Sison ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na tinapos nito ang pamamayagpag ng mga oligarko sa bansa na hindi nagdedeklara ng Martial Law.

Ayon kay Sison, mismong si Pangulong Duterte ay isang oligarch, isang “autocrat” at isang “tyrant” sa kanyang mga kapwa oligarchs.


Dagdag pa ni Sison, nagpapanggap lamang ang Pangulo na alam nito ang kahulugan ng oligarkiya.

Aniya, si Pangulong Duterte ang chief political representative ng mga malalaking compradors, landlords, at bureaucrat capitalists sa Pilipinas.

Sinabi rin ni Sison na ang pagpapasara sa ABS-CBN ay hindi nangangahulugang natapos na ang oligarkiya, pero katapusan ng pagpapahayag ng kritisismo sa mga nagawang krimen ng kanyang administrasyon.

Malinaw aniya na pag-atake ito sa kalayaan sa pamamahayag at pagsusulong ng fascist agenda.

Bagama’t walang binanggit na pangalan si Pangulong Duterte, ang kanyang pahayag ay binitawan ilang araw matapos ibasura ng House Committee on Legislative Franchises ang panukalang magbibigay ng prangkisa sa ABS-CBN Corporation.




Pero nilinaw ito ni Presidential Spokesperson Harry Roque na ang mga tinutukoy ng Pangulo ay ang mga business tycoon na sina Lucio Tan, Manuel V. Pangilinan at mga Ayala.

Paglilinaw rin ng Malacañang na hindi bumubuo ang Pangulo ng loyalist sa business community.

Facebook Comments