Crime Rate sa Sultan Kudarat Maguindanao bumaba kasabay ng Martial Law Implementation

Mas pinalakas pa ngayon ang kampanya kontra illegal drugs, loose firearms at kriminalidad sa bayan ng Sultan Kudarat sa Maguindanao kasabay ng isinagawang Municipal Peace and Order Council Meeting .

Pinangunahan ang aktibidad ni SK Mayor Datu Shameem Mastura kasama ang ibat ibang line agencies kabilang na ang SK PNP at 37th IB.

Layun nito ay upang maipagpatuloy ang mga nasimulang kampanya ng LGU katuwang ng mga otoridad sa pagpapanatili ng peace and order sa 38 baranggays.


Halos 95 % rin aniya ang ibinababa ng ng crime sa bayan bunsod sa ipinapatupad na Marial Law.

Kaugnay nito nagpapasalamat si Mayor Shameem sa mga inisyatiba ng kanyang mga kasamahan sa LGU, pamunuan ng 603rd Brigade, 37th IB at SK PNP.

Patuloy naman ang paghimok ng alklade sa kanyang mga kababayan na makiisa sa kanilang adbokasiya.

SK PNP

Facebook Comments