Crossover move ni PBA star Terrence Romeo, kasama sa tribute video para kay NBA legendary ankle breaker God Shammgod

162

Manila, Philippines – Ikinatuwa ni PBA Superstar Terrence Romeo na nakasama ang isa sa kaniyang mga basketball moves sa tribute video ng legendary crossover artist na si God Shammgod.

Makikita sa video ang crossover move ni Terrence sa laro nito sa Rain or Shine kung saan ilan sa mga NBA stars din ang nagbigay ng kanilang mga papuri sa nag-iisa at legendary killer crossover player.

Kabilang sito sina Kyrie Irving, Damian Lillard, Chris Paul at Russel Westbrook na kilalang gumagamit ng moves na ankle-breaker.

Ang 6 foot player na si Shammgod na kasalukuyang assistant coach ng Dallas Mavericks ay naging member ng Washington Wizards noong 1997-98 at pagkatapos ay naging player sa iba’t-ibang team sa Chinese Basketball League.

Facebook Comments