CSC, inirekomendang kasuhan ang cashier ng Register of Deeds sa Davao dahil sa neglect of duty

410

Pinakakasuhan na ng Civil Service Commission (CSC) ang cashier ng Register of Deeds sa Davao City na inireklamo ng kapabayaan sa tungkulin.

Sa kaniyang pitong pahinang desisyon na may petsang April 13, inirekomenda ni CSC Commissioner Atty. Aileen Lourdes Lizada na sampahan si Soleta Taleon ng paglabag sa Section 21 ng Republic Act No. 11032 o ang Ease of Doing Business and Efficient Government Service Delivery Act of 2018.


Pinaboran ni Lizada ang reklamo ng Anti-Red Tape Authority (ARTA) na neglect of duty and conduct prejudicial to the best interest of the service laban kay Taleon.

Nag-ugat ito sa administrative complaint ng ARTA noong September 17, 2019.

Batay sa reklamo, noong August 30, 2019, nagsagawa ng on-the-spot inspection sina ARTA Secretary Jeremiah Belgica, sa Register of Deeds of Davao City.

Kasunod naman ito ng natanggap na reklamo ng ARTA sa mga reklamo sa mabagal na serbisyo ng naturang tanggapan.



Nang dumating ang ARTA sa work station ni Taleon ay nakita nilang naglagay ito ng notice na naka-lunch break siya nang walang reliever o kapalitan na isang paglabag sa “No Noon Break Policy” sa ilalim ng RA No. 11032.


Idinahilan naman ni Taleon na wala talaga siyang kapalitan sa duty dahil walang kinuhang posisyon para sa isang alternate cashier.

Facebook Comments