CSC, ipagbabawal na ang pagpapareserba ng mga posisyon para sa mga insider sa gobyerno

Pinaalalahanan ng Civil Service Commission ang mga Human Resources sa bureaucracy na ipinagbabawal ang pag papareserba  ng mga positions sa trabaho para sa mga insiders.

 

Ginawa ni CSC Commisioner Atty. Aileen Lizada  ang pahayag kasunod ng natanggap na reklamo mula sa isang outsider applicant  na nag aapply  sa isang  position na nakapaskel.

 

Base sa reklamo hindi raw tinanggap ang application nito dahil naka,“reserved” na ito para sa insider.


 

Kaugnay nito nanawagan si Atty. Lizada sa lahat ng applicants na nakaranas tulad ng nagpadala ng reklamo na ipagbigay alam sa kanyang tanggapan o sa mga  contact center ng bayan para sa kaukulang tugon

 

Maaari ding ipadala ang reklamo sa email@contactcenterngbayan.gov.ph o di kaya ay itext sa (0908) 881 6565.

 

Paliwanag pa ni Atty. Lizada  hindi dapat magkaroon ng  reservations dahil ang pagtanggap at pag promote ng aplikante ay  base sa merit and fitness.

 

Kaya daw may publication  ng mga vacant positions para malaman ng lahat ng interesado.

Facebook Comments